MGA URI NANG TEKSTO




MGA URI NANG TEKSTO



Ang TEKSTONG PROSIDYURAL

 ay isang uri ng teksto na nagpapakita ng sunod-sunod na hakbang kung paano gawin ang isang gawain. Halimbawa nito ang “Paano gumawa ng proyekto sa agham,” kung saan ipinapaliwanag ang proseso mula sa pagpili ng paksa, paghahanda ng mga materyales, pagsasagawa ng eksperimento, hanggang sa pagtatala ng resulta at paghahanda ng presentasyon.


ang TEKSTONG DESKRIPTIBO 

Say uri ng teksto na naglalarawan ng isang tao, lugar, o bagay gamit ang detalyadong salita upang malinaw itong mabuo sa isipan ng mambabasa. Isang halimbawa nito ang “Paglalarawan sa library ng paaralan,” na naglalarawan sa katahimikan ng lugar, maliwanag na ilaw, maayos na mga mesa, at kapaligirang angkop sa pag-aaral.


Ang TEKSTONG  IMPORMATIBO 

 naman ay uri ng teksto na nagbibigay ng malinaw at tamang impormasyon tungkol sa isang paksa. Halimbawa nito ang tekstong “Tungkol sa online class ng estudyante,” na nagpapaliwanag kung paano isinasagawa ang pag-aaral gamit ang internet, mga online platform, at kung paano ito nakatutulong sa pagpapatuloy ng edukasyon kahit may mga hamon.

Comments